Tuesday, June 20, 2017

GIL, kinaiinggitan at sobrang suwerte na nakahalikan si JENNYLYN

NAPAKASARAP na kausap ng baguhan aktor na si Gil Cuerva na biglang sikat dahil sa pagganap niya bilang Matteo Domingo sa local adaptation ng GMA sa hit Korean series na My Love from the Star na kung saan bida rin si Jennylyn Mercado na kinagigiliwan din bilang Steffi Chavez.
         Aminado si Gil na lalo pa siyang napi-pressure ngayong marami na ang nakatutok sa kanyang pagganap, na araw-araw ay sinusubaybayan talaga ng kanyang mga tagahanga at bashers, kung may meron na ba siyang improvement sa pag-arte.
Aware din siya na napaka-successful ng original version ng serye, kaya kailangan nila itong matapatan ni Jennylyn.
Plus na si Alden Richards ang original choice para sa role ni Matteo, na napunta nga sa kanya, kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang napi-pressure.
Pero sa tinatakbo ng serye na marami ang nagkakagusto sa kanyang pagganap, mukhang kaya rin siyang sumikat tulad ni Alden.
"Ayokong maging assuming, I'll go with the flow lang, tingnan natin pero sana umabot, pero hindi ako nag-i-expect," tugon ng guwapong baguhan.
Marami rin ang nagsasabi na masuwerte siya dahil nakakahalikan niya si Jennylyn, na marami pa rin ang nagpapantasya.
"Ako talaga ang masuwerte.  Yun kissing scene namin kinunan yun late last month.
"Tapos yun mga friends ko na mga boys, parang nagagalit or naiinis, dahil nga nakaka-eksena ko si Jennylyn."

Nag-meet na sila ni Dennis Trillo sa GMA, pero 'hi and hello', nagpakilala lang daw siya, pero hindi sila nakapag-usap nang matagal.
Ayon pa kay Gil, hindi siya nagpi-feeling close kay Jennylyn, kahit palagi silang nagkakasama sa serye, pag kailangan daw na mag-usap, saka silang mag-uusap.
Okey lang kay Gil na maging 'sex object' siya at mahalungkat ang kanyang buhay, dahil nga marami na ang nagkaka-interes sa kanya ngayon.
Pero sa pagdating sa lovelife, hangga't maaari ay gusto niya itong maging private
Samantala, natutuwa naman ang GMA Network dahil tinututukan ang magkakasunod na primetime shows na Mulawin vs. Ravena, My Love from the Star at ang malapit nang magtapos na Meant To Be.

(published at People's Balita - June 17, 2017)

MAINE, two years na pero 'di pa rin sanay sa fame and fortune

MULA sa pagiging virtual unknown to one of the country’s biggest stars, patuloy nga ang pamamayagpag ni Maine Mendoza. 
“Sobrang bilis talaga ng mga nangyari sa amin ni Alden (Richards),” sabi ng the other half ng phenomenal love team na AlDub, na nagdala sa kanilang kasikatan.
“Lalo na po sa akin. Two years pa nga lang ako, ganito na, sunod-sunod.”
Dalawang taon na nga ang mabilis na lumipas, pero hindi pa rin masanay ang sikat na Yaya Dub ng telebisyon sa tinatamasang fame and fortune.
“Parang hindi ko pa rin ma-fathom kung ano ba ang meron. Bakit ako?” tugon pa niya.
At hanggang ngayon, wala pa rin sa isipan niya kung ano ang meron siya para mahalin ng mga tao at pagkatiwalaan.
        “Honestly, hindi ko po alam. Parang isang question sa akin yun na hindi ko po masasagot,” sagot pa niya.
At sa lahat ng kanyang tagumpay, ibinibigay niya ang lahat ng kredito sa mga tagahanga.
“Siguro po, dahil na rin ito sa mga sumusuporta sa amin ni Alden na very supportive sa mga ine-endorse namin.  Kapag nakikita na may bago akong endorsements, talagang sinusuportahan.”

Patunay nito ang kanyang partnership sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino, na ngayon ay top-selling and most loved tocino sa buong bansa.
“Quality alone, sobrang okay ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, iba rin po yung feeling na nagiging part ka ng success nila ‘di ba?” pagmamalaki pa ni Maine.
“Nakakatuwa po kasi patuloy pa rin silang nagtitiwala sa akin. First year ko pa lang sa showbiz, nakuha na nila ko. Hanggang ngayon.  Parang isa siya sa mga unang endorsements ko at nagtiwala sa akin."
Sa totoo lang, gustung-gusto ni Maine ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, kaya wala siyang problema na i-endorse ang produkto dahil isa ito sa paborito ng kanyang pamilya sa almusal, tanghalian at hapunan.
        “Before po kasi, hindi ko lang alam kung anong brand ng tocino ang kinakain namin. Before, pansin ko lang, matigas and mahirap lutuin.  Yun ang napansin kong difference. Ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, very soft and perfect yung sweetness. 
“Hindi katulad nang kino-consume namin before, matigas at parang bubble gum na siya. Sobrang daling lutuin pa kasi no need to boil siya. Imagine kung sobrang busy
mo, no need to worry na kung anong kakainin mo.”

Katulad ni Maine, parami nang parami ang mga nanay sa Luzon, Visayas at Mindanao ang lumipat na sa nangungunang tocino sa bansa dahil gawa ito 100% young pork.
Sa latest campaign para sa kanyang favorite na CDO Funtastyk Young Tocino, may pagti-tease si Maine sa lahat na natagpuan na niya ang kanyang 'forever'.
Sa kanyang social media messages at naglalakihang billboards all over the metropolis, halos lahat ay humuhula sa misteryo lent even more mystery sa likod ng, “iba talaga pag forever young.”
At ngayon nga ay ini-reveal na ni Maine ang kanyang sikreto sa latest CDO Funtastyk Young Tocino commercial.
“Very unique ng concept. Parang ilo-launch nila na very mysterious sa tao. Kung ano nga ba ‘to, anong klaseng beauty product na bandang huli, malalaman nila na tocino pala, pagkain. I think, it’s very fresh for the consumers and for the viewers to see this kind of campaign.”
Katulad ng mga campaigns na nagdala sa CDO at kay Maine sa taas at nais nilang manatili doon sa habang panahon.
“Parang sa lahat naman po ng bagay ‘di ba, once na reach mo ang top, siyempre po, mas gusto mo na i-maintain ang ranking.”
Pero nais na magpakatotoo ni Maine at batid niya na sa mundo ng showbiz ay hindi pang habang panahon.
“Kasi po, hindi ko naman pinangarap na mapunta sa ganitong posisyon. Kasi, akala po siguro ng iba, madali siya, very relaxed.  Akala po siguro nila, puro glitz and glamour, walang paghihirap sa ganitong buhay.  Siyempre, meron din po siyang downside ng pagiging artista.”
Naiintindihan din niya ang rules of the game na dahilan para laging nakatungtong sa lupa ang kanyang mga paa.
        “Siguro ito 'yung isang bagay na hindi ka dapat malunod.   Kasi, pana-panahon lang din naman po ‘yan.
“Ang sa akin na lang, habang nasa ‘yo, enjoy mo.  Pero sa tocino po, may forever kasi, CDO Funtastyk Young Pork Tocino.  Forever Young lang talaga.”  
Tuklasin ang sikreto sa pagiging 'forever young' at maging updated sa mga kaganapan sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.

(published at People's Balita - June 20, 2017)

Saturday, March 25, 2017

Inaabangang kasal nina Peter at Gloria, matutunghayan na

NGAYONG hapon (March 27) na mapapanood ang pinaka-aabangang kasal nina Peter (Nonie Buencamino) at Gloria (Sylvia Sanchez) sa top-rating series na The Greatest Love pagkatapos ng The Better-Half sa ABS-CBN.



Kinunan ang naturang kasalan na napakagandang St. Andrews Chruch sa Silang, Cavite na ngayon pa lang yata mapapanood sa isang serye.

Base sa pinadala sa amin ni Ibyang na wedding photos na kuha sa TGL, ang ganda talaga ng simbahan, pati ang wedding gown na sinuot ni Gloria na gawa ni Frankie de Leon.

Pagkatapos nga ng ilang dekada natuloy na rin ang kasal nina Peter at Gloria, at isa sa dapat abangan sa episode ngayong hapon ay kung makakarating ba sa kasal si Amanda (Dimples Romana).

Last Friday, ini-reveal na rin na last four weeks na lang at matatapos na ang minahal at talagang araw-araw na tinututukan na teleserye.

Ayon pa kay Sylvia, tiyak na mag-iiyakan ang makakapanood ng kasal nila ni Peter.

At sa nalalabing apat na linggo marami pang eksena na magpapaluha sa mga manonood, kaya 'wag nang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos nang isa sa pinakamatagumpay na afternoon series ng Kapamilya network, ang The Greteast Love.

Wednesday, March 8, 2017

VINA, natupad na ang dream na maka-duet ang anak na si CEANA


PITONG taong na palang hindi gumagawa ng album si Vina Morales at upang ipagdiwang ang kanyang ika-30 taon sa sa showbiz nagbalik-recording at handog niya ang bagong album na pinamagatang Vina XXX.
Ayon sa singer-actress, ang Vina XXX ay paraan niya ng pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang mga proyekto.
“Grateful at inspired ako na umabot ako ng 30 taon sa showbiz. Isang milestone ang umabot ng 30 taon. ‘Di ko ‘to mararating kung hindi dahil sa mga taong tumulong sa akin,” sabi ni Vina.
“At mas inspired pa ako ngayon na magtrabaho para maibalik ko ang pagmamahal ng supporters ko sa pamamagitan nitong album ko.”



Napakinggan na namin ang nilalaman ng buong album na pawang original tracks, kasama ang minus one versions nito.
Gustung-gusto namin “Eres Mio” na isinulat ni Rox Santos, at “Laro” ni Edwin Marollano.
Kasama rin dito ang isang revival song, “Lagay ng Puso” nina Raizo Chabeldin at Rox Santos, na unang inawit at pinasikat ni Bryan Termulo.
Mapapakinggan din ang mother-daughter duet na “Pag-ibig Na Walang Hangganan,” na isinulat ni Jungee Marcelo na kung saan kasama ni Vina ang kanyang anak na si Ceana.
Dream come true daw ito para sa kanya na nakapag-record kasama ang anak.
“Nahiya siya nu’ng una, pero nakanta niya nang maayos yung part niya,” kuwento pa ni Vina.
Kabilang sa track list ang “Maghihintay Kailanman,” nina Chie Floresca at Jonathan Manalo, “I Want Love To Stay” ni Jamie Rivera, “To Live for Each Other” ni Atty. Loreto C. Ata, at ang Theo Remix ng “Eres Mio” ni Rox Santos.
Ang Vina XXX ay ipinrodus nina Rox Santos at Raizo Chabelin. Mabibili na ito nationwide sa halagang P299.
Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.


(Rated R: published at People's Balita March 8, 2017)




Tuesday, November 22, 2016

SPEEd, celebrates first anniversary at the orphanage




PARA maging makabuluhan ang pagdiriwang nang unang anibersaryo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) dinalaw ng grupo ang Bahay at Yaman ni San Martin de Porres sa Bustos, Bulacan noong ika-lima ng Nobyembre.



Ang naturang bahay ampunan ay kumakalinga nang higit sa isang daan at limampung inabandunang kabataan.
Pinangunahan ni SPEEd President Isah Red, (editor ng The Standard), ang pagdadala ng kaligayahan sa mga kabataang residente na ang edad ay mula pito hanggang labing-walo.
Dala-dala ng grupo ang mga donasyon tulad ng mga damit, tsinelas, libro, laruan, toiletries, gamot, pagkain at maiinom.
Sina SPEEd secretary Ian Farinas (ng People’s Tonight), at assistant secretary Gie Trillana (ng Malaya Business Insight) ang nag-coordinate sa surrogate mother at volunteer co-worker na si Myrna del Rosario para matuloy ang event.

Sa tulong ng program coordinator na si Noel Vincent Ordiales, sina SPEEd members Dondon Sermino ng Abante at Rohn Romulo ng People’s Balita ang nag-host ng mga palaro.
Ang mga papremyo ay mula sa donasyon ng GMA Network Communications sa pamamagitan ni Angel Javier (candy bags and balloons), Liwayway Marketing Corp through Kacie Gotamco and Annie Ringor (Bread Pan and
Choco Chugs) at Dr. Eric & Vina Yapjuangco of Icon Clinic through Chuck Gomez (toiletry kits).
Tumulong din sina Jerry Olea ng Abante Tonight, Ervin Santiago ng Bandera, Janice Navida ng Bulgar (na nag-bake ng brownies para sa event), Maricris Nicasio ng Hataw, Eugene Asis ng People’s Journal, Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa, Tessa Arriola ng The Manila Times at Dinah Ventura ng Daily Tribune para mag-assist sa games at gift-giving. Sumama rin sa grupo sina  Chuck Gomez at Sonny Espiritu bilang official photographer.

Adding more fun to the event, may photo booth at face-painting booth, courtesy ng ABS-CBN Corporate Communications group led by Kane Choa.
Nagbigay naman ang San Miguel Corporation through Jon Hernandez nang kahung-kahong Magnolia mineral water na pamatid-uhaw ng mga bata, habang ang Unilab for Ritemed (through Claire Papa and Butch Raquel), ay nag-donate ng boxes of vitamin C and paracetamol.
Ang Bahay at Yaman ay well-kept compound na kung saan matatagpuan ang charity school arm ng Angelicum.
Simula 2003, ang mga kabataang mula Prep hanggang High School ay nakatatanggap na edukasyon sa loob ng bakuran, na kung saan matatagpuan din ang isang kaakit-akit na kapilya.
Ayon sa volunteer co-worker na si Adora Briones, para sa mga interesado na mag-share ng kanilang blessings lalo na ngayong Pasko, pwedeng mag-donate ng bath soap, shampoo, toothpaste, toothbrush, alcohol, laundry soap or detergent, condiments (cooking oil, soy sauce, vinegar, fish sauce, etc.), clothes, slippers and books.
Pwedeng kontakin si Noel Ordiales sa 09212579375 o mag-log sa kanilang website www.stmartinproject.org.





Thursday, April 28, 2016

Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, the newest talk-variety show host



GMA Network never fails to offer all-out entertainment as it brightens up TV viewers' mornings with the launch of the newest talk-variety show, Yan Ang Morning!, hosted by no less than Primetime Queen Marian Rivera-Dantes.

It premieres on May 2 at 10:45AM after Hi School Love On.

Marian revealed that her latest project is the perfect venue to share her personal experiences on being a new mom and homemaker, and at the same time become an inspiration to achieve a healthy work-life balance.








Yan Ang Morning! allows viewers as well as the studio audience to participate and be involved in everything that Marian does in the program. In the show, she will have a cooking segment dubbed as "Luto Ni 'Yan" where she demonstrates how to create simple and affordable recipes. She will also create fun and easy DIY projects and activities and try the latest workouts and fitness trends.

Joining Marian as her co-host is Kapuso comedian and one of her real-life BFFs Boobay. With his natural flair for comedy, every episode promises to be more fun and entertaining as he engages in banter with the audience and guests.

Under the helm of Director Louie Ignacio, catch Yan Ang Morning! beginning May 2, Mondays to Fridays, on GMA.

Get the latest updates about Yan Ang Morning! from its official facebook page www.facebook.com/7YanAngMorning, Twitter and Instagram accounts @7YanAngMorning and from the GMA Network website www.GMANetwork.com. 

Wednesday, September 9, 2015

A Sensual Adventure with ANDREA TORRES in Andrea: Road Trip



WHAT’S it like to go on an intimate getaway with GMA Artist Center star Andrea Torres? 

It will be revealed in the latest photo book entitled Andrea: Road Trip featuring the sultry actress.
Andrea: Road Trip is a gravure photo book that takes readers on a sensual adventure with the dusky beauty, who made waves when she first appeared on the cover of FHM Philippines’ December 2014 issue and eventually shot to the second spot in this year’s FHM 100 Sexiest Women in the World list.


Photographed by master lensman Jay Tablante, Andrea: Road Trip sees Andrea posing seductively in various locations of a secret hideaway—letting readers imagine just what a trip with her would be like.

Andrea: Road Trip will be soon available in all leading bookstores and magazine stands nationwide.


Catch Andrea as she signs copies of Andrea: Road Trip at the Manila International Book Fair, SM Mall of Asia Complex, Pasay City on September 19 at 2:30pm.

Meanwhile, Andrea is currently part of GMA Network’s longest-running gag show Bubble Gang. Her first international project with Mikael Daez will be shown in Philippines soon.