Friday, April 10, 2020

ALDEN, nag-iisang Pinoy na pasok sa Top 10 ng "Ultimate Asian Heartthrob of 2020"


ANG Asia's Multimedia Star na si Alden Richards ang nag-iisang Pinoy na pasok sa Top 10 ng "Ultimate Asian Heartthrob of 2020" sa poll na isinagawa ng Starmometer kung saan nasa 6th place siya sa listahan. 

Sumunod sa pangalan niya ang mga sikat na international performers na sina V, Jungkook, Jin, at Jimin ng BTS, at ang Thailand actor na si Saran Sirilak. 

Taun-taon ito kumakalap ng mga boto ng fans hindi lang sa Pilipinas pati rin sa buong Asya! Umabot sa total of 137,680 votes mula Facebook, Twitter, at Instagram ang nakuha ng Centerstage host. 



Dagdag na naman ito sa mas dumaraming karangalan na natatanggap ng Kapuso star. Congratulations, Alden! 


Samantala, kahit naka-taping break dahil sa enhanced community quarantine, tuloy ang online auditions ng Centerstage para sa aspiring bida kids. Bukas ito para sa mga batang 7-12 years old. 



Para mag-audition, magpadala ng maikling video na may introduction kasama ang pangalan, edad, at place of residence. Samahan ito ng audition song na acapella (walang kasamang instrument o tugtog) na hindi lalagpas sa dalawang minuto. 

Pagkatapos, ipadala ito sa official Facebook page ng Centerstage (https://www.facebook.com/GMACenterstage).


ANG TOP EDM ARTIST NA SI JACE ROQUE AT ANG KANYANG ‘FOREVER’


UMAARIBA pa rin ang career ng top EDM artist na si Jace Roque.

Matapos ang tagumpay ng kanyang huling single na “Day and Night” (na umabot sa No. 8 sa iTunes Philippines at napasama sa iba’t-ibang Spotify playlists), nagbabalik si Jace sa pamamagitan ng bago niyang kanta na pinamagatang “Forever.”



Espesyal ang kantang ito kay Jace dahil ito ang kauna-unahan niyang Taglish single. Lahat ng mga nakaraan niyang single—kasama na ang “Day and Night,” “LOVE,” at “Sober”—ay nasa wikang Ingles. Napagpasyahan niyang subukan ang gumawa ng isang Taglish na kanta, at nagustuhan niya ang resulta ng eksperimento niya. Inaasahan ni Jace na magugustuhan din ito ng madla.

Ayon kay Jace, itong “Forever” ay matatawag na multi-genre na kanta. “It blends dance, EDM, hip-hop, Latin, pop, R&B, and reggae into one cohesive sound, but it’s still on brand with my identity and style as an artist. I always incorporate different genres into my songs, but this is the most musically diverse of all my releases.”

Lyrically, ang bagong kanta ni Jace ay tungkol sa paniniwala niya na dapat kontrolado nating lahat ang kapalaran natin pagdating sa pag-ibig. Ayon kay Jace, hindi natin dapat iasa lamang sa destiny o fate ang mga love life natin.

“A lot of people believe that if it’s meant to be, it will be,” sambit ng singer-songwriter. “But the truth is, you can’t just dream about forever. You've got to work hard to earn it.”

Alam ni Jace ang sinasabi niya. Sa huli niyang relationship, ginawa niya ang lahat para magtagal sila ng nobya niya. Sa kasamaang palad, nag-break din silang dalawa.


“I can’t really say too much about it, because I don’t want to be unfair to the other person. But on my end, I really tried to make things work. That’s the kind of guy I am when I’m in a relationship. I don’t give up easily, and I always acknowledge my shortcomings and strive to be the best version of myself,” pahayag ni Jace.

Sa ngayon, nakatutok siya sa music career niya, pero bukas naman siya sa posibilidad na magmahal muli.

“I still hope to find someone who can make me believe that nothing is impossible and that forever is just a moment away,” sabi ni Jace. “I’m not too picky. I just want someone who’ll love me for me. But who knows, love moves in mysterious ways. I might not have the same mindset when I finally find that person. I’m just hoping that when I do, it’s a match made in heaven.”

Matagal na si Jace sa showbiz. Isa siyang independent artist na walang backing ng major record label o management team, kaya nakakabilib na malayo na ang narating niya. Sa ngayon, umani na ang mga kanta niya ng 1.5 million total streams across all platforms. Yan ang siyang nagpapatunay na talagang masipag at talented itong si Jace (siya mismo ang arranger, producer at writer ng sarili niyang materyal).

Pinaglaban niya ang mga nakaraan niyang kanta, at handa si Jace na ipaglaban ang “Forever” niya. Sa ngayon, may isa nang malaking achievement ang bago niyang kanta—agad itong napasama sa New Music Friday playlist ng Spotify Philippines.

“Longevity is something that I’m working really hard to achieve. I’m now on my 12th year in the industry, and all the hard work and perseverance I’ve put in is no joke. It can be tiring at times, but I always remind myself why I wanted to pursue music in the first place. It’s because I just want to express myself. I’ve always been a very artistic person, and I don’t see myself doing anything else with my life,” paliwanag ng top EDM artist.

Dahil sa attitude na ito ni Jace, tiyak na “Forever” na siyang magiging bahagi ng OPM industry.

“Forever” download and streaming links:

Monday, April 6, 2020

DINGDONG, NAGBIGAY NG ONLINE JOB LEADS PARA SA ALTERNATIVE WORK HABANG MAY ECQ


HINIKAYAT ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang ating mga kababayan na gawing makabuluhan ang kanilang oras habang naka-stay at home ang lahat bunsod ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon. 

Sa kanyang latest Instagram post, inimbitahan niya ang kanyang followers na sumali sa adbokasiya ng YesPinoy Foundation kung saan siya ang chairman. 

Sabi niya, “Gusto mo ba ng trabaho habang naka-home quarantine? The YesPinoy Foundation supports the #SanaOL campaign of Jobstreet and Workabroad PH to provide livelihood opportunities to our kababayans amid the COVID-19 crisis.” 


Simula nang ipatupad ng gobyerno ang ECQ, maraming Pilipino ang pansamantalang nawalan ng trabaho at hanapbuhay. Kaya naman nakaisip ng solusyon si Dingdong para matulungan ang mga ito. 

Dagdag pa niya, “May online jobs para sa freelancers, sa mga naghahanap ng alternative work, at sa K-12/ High School graduates. May home-based jobs din na 'no experience needed' at interview na pwedeng sa telepono lang.” 

Samantala, patuloy ang paghahatid ng good vibes at impormasyon ni Dingdong kasama ang buong cast ng Descendants of the Sun sa kanilang official Facebook page. Hinihikayat nila ang lahat na magbahagi ng tulong para sa ating mga kababayang nawalan ng hanapbuhay. Maaari mag-donate sa Kapuso Foundation. Bisitahin lamang an gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

JAK ROBERTO, IPINASILIP ANG UPGRADED TRUCK


MUKHANG hilig talaga ni Kapuso hunk actor Jak Roberto ang mga sasakyan dahil bukod sa pagmomotor, invested din pala ito pagdating sa pagpapaganda ng kanyang astig na black pick-up truck. 
Sa latest vlog ni Jak sa kanyang YouTube channel na may halos 1 million followers na, sinama nito ang kanyang viewers sa pagpapa-upgrade ng kanyang Ford Ranger sa isang auto shop sa Cubao. 
https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/hobbies/61590/jak-roberto-ipinakita-ang-upgraded-pick-up-truck-sa-bagong-vlog/story

Kwento ni Jak, bukod sa pagpapa-upgrade ng gulong at suspension, pinalagyan din niya ito ng special coating panlaban sa gasgas at putik. 
"Nakaka happy lang na minsan 'pag kino-compliment 'yung sasakyan mo. Kasi ganoon 'yung nafi-feel ko before eh. Alam ko 'yung pakiramdam na ganoon. Nakaka boost ng confidence. Pakiramdam mo, may achievement kang nagawa na kung tutuusin para sa 'yo lang naman," kuwento ni ni Jak. 
Natuwa naman ang Kapuso viewers sa patuloy na pagiging humble ng magkapatid na sina Jak at Sanya Lopez sa kabila ng blessings na natatanggap nila, “Mababait ang magkapatid na Jak at Sanya. Maganda ang pagpapalaki sa kanila. Marunong makihalubilo sa kapwa. Kaya lalong pinagpapala. Keep it grounded guys.” 
Samantala, muling mapapanood si Jak bilang Andoy sa pagbabalik ng hit GMA Telebabad romantic comedy series na Meant To Be kung saan kasama niya ang kanyang real-life sweetheart na si Barbie Forteza. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 9:30pm sa GMA Telebabad.

BENJAMIN, NAGPATIKIM NG KASEKSIHAN SA ROM-COM SERIES NILA NI LOVI


NAG-UUMAPAW ang chemistry nina Kapuso stars Benjamin Alves at Lovi Poe sa sizzling photo na ipinost ng actor sa kanyang Instagram account kung saan naka-topless ito at katabi ang aktres. 

Bibida kasi ang dalawa sa bagong GMA romance-comedy series na ‘Owe My Love’ bilang sina Doc Migs (Benjam) at SenSen (Lovi) o tambalang SenMig ayon sa nakakaaliw na caption ng Kapuso hunk actor. 
Mas lalong na-excite naman ang mga fans ng dalawa na huli silang nakitang magkatambal sa seryeng Beautiful Strangers pa noong 2015, “Wow! Makikita ko na naman kayo ulit after Beautiful Strangers. Sobrang bagay kayong dalawa at parehas pang magaling.” 
Aktibo rin sina Lovi at Benjamin sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektado ngayon ng lumalaganap na COVID-19 sa kani-kanilang social media accounts. 
Bukod kina Lovi at Benjamin, makakasama rin nila sina Ai Ai delas Alas, Ruby Rodriguez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez, Buboy Villar, at Kiray Celis. Mapapanood ang Owe My Love sa GMA Network.

PAOLO CONTIS, NA-CHALLENGE BILANG 'PONTIO PILATO' SA 'JESUS: HIS LIFE'



TIME out muna sa pagpapatawa ang Kapuso comedian na si Paolo Contis dahil sa Lenten special ng GMA siya ang gaganap bilang Pontio Pilato sa Jesus: His Life na matutunghayan ngayong Biyernes Santo, ika-pito nang gabi sa GMA.

Aminado ang aktor na nahirapan siya sa pagbibigay-boses sa kanyang karakter. 


“Actually it's not easy [to play 'yung character]. But the actor who portrayed it, very strong talaga 'yung character niya. So, binagay ko lang sa hitsura niya and sa character niya. And of course, the character itself binagay ko. Kaya malamang ako 'yung kinuha siguro parang Poncio Pilato 'yung dating,” pahayag niya.

Ito ang first time ni Paolo na magkaroon ng dubbing session para sa isang TV project at na-enjoy niya ang experience na ito sa pagganap bilang Poncio Pilato sa Jesus: His Life.

MARTIN, MASAYA NA NAPUNTA SA KANYA ANG CHARACTER NI 'JUDAS'



FIRST time man ni Kapuso actor Martin del Rosario na magkaroon ng dubbing session, excited at masaya raw siya sa bagong experience na ito. 

Sa Lenten special kasi ng GMA Network na Jesus: His Life, si Martin ang magiging boses ng karakter ni Judas na isa sa 12 na disipulo ni Jesus Christ na kalauna’y nag-traydor sa kanya kapalit ng salapi. 


Imbes na kabahan sa mabigat na karakter na gagampanan, masaya ang aktor na isang makulay at interesting na karakter ang napunta sa kanya. 

“Suwerte ko na si Judas 'yung napunta sa akin kasi interesting ang character ni Judas kasi 'di ba sa pagkakaalam natin siya 'yung nag-traydor kay Jesus kapalit ng silver coins,”  sabi ni Martin. 

Dagdag pa ng award-winning actor, hindi raw madali na umarte gamit lamang ang boses lalo pa at kailangan mo ring sundan ang facial expressions ng nasa screen. 

“Dito sa dubbing kasi may ibang actor, e. Susundan mo lang 'yung boses with timing. Tapos gustuhin ko mang umarte sa mukha, ang hirap kasi dahil nagbabasa ka ng lines, tapos 'yung boses mo ina-acting mo.” 

Mapapanood ang Jesus: His Life sa Good Friday, April 10, ika-lima nang hapon sa GMA-7.